-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit 10,000 katao ang nasawi sa Gaza labanan ng Israel at Hamas militants mula pa ng noong Oktubre 7.

Ayon sa Hamas-controlled Health sa Gaza na mayroong 10,022 Palestinian na ang nasawi dahil sa sa airstrike ng Israel.

Kinabibilangan aniya ito ng 4,104 na mga bata, 2,641 na mga babae at 611 na mga may edad na.

Bukod pa sa mga nasawi ay mayroong pang mga 25,408 na mga katao ang sugatan.

Magugunitang idineklara ng Israel ang giyera sa Hamas matapos ang ginawa nilang pag-atake sa noong Oktubre 7.