-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit apat na milyon ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo.

Nangunguna pa rin sa listahan ng may mataas na bilang ng namatay ang Estados Unidos na may 621,662.

Samantala, ang kabuuang bilang naman ng mga tinamaan ng virus ay umakyat na sa 185,286,786.

Ang 11,567,764 (99.3%) sa mga ito ay nasa mild cases, habang ang 77,691 (0.7%) ay nasa serious o critical condition.

Habang ang mga naka-recover naman ay 169,626,042, matapos ang gamutan at quarantine procedure.