BUTUAN CITY – Nadagdagan ng isang kataong patay dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Caraga Regeion na mula sa lungsod ng Butuan.
Ayon kay Dr. Gerna Manatad, OIC-Assistant Regional Director ng Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) Caraga sa online press briefing kagabi, ito’y maliban pa sa 23 mga bagong nadagdag na COVID-19 positive nitong rehiyon naparehong mga taga-Butuan.
Ayon kay Dr. Manatad, kanilang natanggap ang 46 mga RT-PCR confirmatory results mula sa GeneXpert TB Reference machine ng Butuan Medical Center Molecular Laboratory kungsaan 23 ang tested negative at ang 23 na iba pa ang syang positibo sa coronavirus.
Sa bagong mga kaso, 18 sa mga ito ay may close contacts sa mga naunang nai-ulat na nagpostibo sa sakit at 5 ang bagong local transmission cases.
Sa nasbaing bilang rin, 12 nito ay taga-Brgy. Ambago, tigtatatlo sa Brgy. Fort Poyohon at Holy Redeemer, dalawa naman sa Brgy. Limaha at tig-iisa ang naitala sa Brgy. Ampayon, Doongan at Mahogany.
Base sa datus, mayoriya sa mga ito ay nasa edad na 30 hangang 40-anyos kungsaan 13 ang mga lalaki at 10 ang mga babae at 17 sa kanila ang asymptomatic at anim namay ang may mild symptoms.
Istriktong mino-monitor ng iba’t ibang mga designated quarantine facilities ang mga walang ipinakitang sintomas habang nasa mga quarantine facilities naman ang mga symtopamtic patients upang sila’y maaalagaan.
Ang pang-apat na namatay dahil sa COVID-19 ay isang 50-anyos na babaeng taga-Butuan City na nakakaranas ng ubo, may lagnat at nahihirapan sa paghinga noong Agosto 15 at na-admit sa Butuan Medical Center noong Agosto 17 ngunit namatay din pagkalipas ng iilang oras matapos lumala ang kanyang kondisyon.
Sa ngayo’y umabot na sa 420 ang kabuu-ang COVID-19 cases sa buong rehiyon kungsaan 333 na ang nakarekoer habang 83 na lang ang active cases.