-- Advertisements --

Umuwi na sa kanyang pamilya sa Magpet Cotabato ang isang pasyente na nagpositibo sa South African variant ng Coronavirus Disease.

Ayon kay Dra Mylene Perez ng Municipal Health Office (MHO-Tulunan) na ang pasyente ay may travel history sa Kidapawan City at sa labas ng probinsya na may kinalaman sa kanyang trabaho.

Ito ay tubong Magpet Cotabato at nakapangasawa ng residente ng bayan ng Tulunan.

Nagtatrabaho ito sa isang kumpanya at umuupa umano ng bahay sa Kidapawan.

Sinabi ni Dra Perez na nitong Marso ay nakitaan ng sintomas sa nakakahawang sakit ang pasyente.

Noong April 27 ay nagpatingin sa Doktor ang pasyente at nirisitahan ng gamot.

Sinailalim siya sa Antigen test at dito nakitang positibo ito sa COVID virus.

Simula noon ay hindi na aniya ito naka uwi ng Tulunan. May 3, 2021 ay dinala ang pasyente sa CRMC at sa isinagawang SWAB test at lumabas na positibo ito maging ang kanyang asawa at dito ay na-confine siya ng 16 na araw. Gumaling ang pasyente patunay ang certification na ibinigay ng CRMC na fully recovered na ito sa COVID-19.

Hiniling ng pasyente na kung maari ay sa Magpet ito mananatili pero hindi pumayag ang Barangay Chairman sa isang Barangay ng Magpet kung saan siya nanggaling.

Dahil dito ay una siyang dinala sa Barangay Isolation sa isang barangay ng Tulunan.

Dahil fully recovered ay humiling ulit ang pasyente na uuwi ito ng Magpet. Dahil sa may certification na fully recovered na ay tinanggap na siya sa kanilang Barangay sa Magpet at umuwi ito noong May 30, 2021.