-- Advertisements --

Pinapadalo sa senado ang lider ng Kingdom of Jesus Christ church (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ay para harapin ang ginagawang imbestigasyon ng Senate committee on Women, Children, Family Relations ukol sa reklamong pang-aabuso sa ilang mga miyembro nito.

Sinabi ni panel chairperson Sen. Risa Hontiveros na mararapat na dumalo na sa susunod na pagdinig si Quiboloy dahil siya ay na-subpoena na.

Itinanggi naman ni Sen. Hontiveros na ang isinasagawa nilang imbestigasyon ay pagkutya sa relihiyon at sa halip ay nais lamang nilang matuldukan ang mga nagaganap na pang-aabuso sa nasabing relihiyon.

Sa ginanap na pagdinig sa senado nitong Martes ay lumantad ang mga biktima na sinasabing inabuso ni Quiboloy.

Dagdag pa ng senador na mayroon pa siyang mga witness na ilalabas para patunayan ang nagaganap na pang-aabuso.