-- Advertisements --

Naninindigan ang mga mambabatas na dapat dumalo sa pagdinig ng Committee on Legislative Franchises ang televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy na itinakda ngayong araw, Martes, March 12,2024.

Ayon kay Deputy Speaker at Quezon Representative David “Jayjay” Suarez na dapat respetuhin ni Quibloy ang legislative process ng Kongreso kaya nararapat lamang siya magpakita at iprisinta ang sarili ng sa gayon mabigyan nito ng linaw ang anumang isyu hinggil sa isinasagawang imbestigasyon ng Komite.

Naglabas ng subpoena ang Komite laban kay Quiboloy para linawin ang role nito sa Swara Sug Media Corporation,na siyang nag-operate Sonshine Media Network International (SMNI),na ang prangkisa sa kongreso ay hinahangad na bawiin o irevoked dahil sa ilang malalang paglabag.

Sinabi ni Suarez na mahalaga ang impormasyon na manggagaling kay Quiboloy lalo at malakas ang paniniwala ng mga mambabatas na may alam at may kinalaman siya dito ng sa gayon lalong mapag-aralan ng committee ang mga nabanggit na mga violations ng SMNI at ng Swara Sug sa franchise na kanilang pinanghahawakan.

Giit pa ng deputy speaker na hindi dapat ma excuse si Quiboloy dahil marami na ang humarap na mga indibdwal at naging resource persons sa anumang isyu.

Sa kabilang dako si 1-RIDER Party-list Rep. Rodge Gutierrez, na siyang may akda sa panukalang batas na layong i-revoke ang prangkisa ng SMNI, tinanggihan din ang argumento ng mga abogado ni QUiboloy na maari silang mag prisinta nga mga dokumento na hinihingi ng mga mambabatas.

Sinabi ni Gutierrez mahalaga ang presensiya ni Quiboloy ng sa gayon malinaw nito ang mga hindi nagtutugma tugma na mga pahayag.

Ang SMNI ay nahaharap sa posibleng revocation ng kanilang franchise dahil multiple violations gaya ng pagpapakalat ng fake news, pagkakasangkot sa red-tagging, at iba pang mga seryosong corporate offenses.