DAVAO CITY – Sinuspede ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang pasok sa lahat ng lebel sa mga pampubliko at pribadong paaralan nitong lungsod kasunod ng magnitude 6.3 na lindol na naranasan sa ilang parte ng Mindanao kagabi.
Layunin ng nasabing hakbang na malaman kung may structural at electrical damage sa mga gusali.
Samantalang muling nakaranas ng pagyanig ang ilang bahagi ng Davao region alas 4:43 ngayong umaga lamang.
Naramdaman ang magnitude 5.3 sa layong 10 kilometros sa Man-ay Davao Oriental at tectonic ang origin at may lalim na 120 kilometros.
Ayon pa sa Philippine Volcanology and Siesmology (Philvolcs), naramdaman ang Intensity III sa Alabel, Sarangani; Intensity II sa Tupi, South Cotabato; General Santos City at Intensity I sa Kiamba, Sarangani.
Wala umanong aasahan na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.