-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Sinuspende ang klase sa lahat ng lebel (private and public) sa bayan ng Norala matapos ang naranasang walang humpay na pagbuhos ng ulan dala ng Low Pressure Area (LPA) sa lugar.

Ito ang kinumpirma ni Mayor Clemente Fedoc, ang alkalde ng Norala, South Cotabato, sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Mayor Fedoc, dahil sa kabilang ang Norala sa mga bayan sa Socksargen na magiging apektado ng Low Pressure Area ay agad na nagdeklara ang alkalde ng suspension ng pasok sa elementarya at kolehiyo para sa kaligtasan ng mga estudyante at guro.

Ito ay dahil hindi pa rin nakakarekober ang bayan sa epekto ng buhawi at baha na kanilang naranasan.

Kinumpirma din ng alkalde na ang ipinatupad na preemptive measure katulong ang MDRRMO para hindi na maulit pa ang pangyayari.

Sa ngayon nasa 228 na mga pamilya na nasira ang bahay dahil sa buhawi at pagbaha kung saan 100 pamilya ang apektado mula sa Barangay Simsiman na may walong totally damaged; 87 sa Barangay Matapol na may apat na totally damaged, 39 sa Barangay San Jose at dalawa naman sa barangya Liberty.

Una na ring inihayag ng alkalde na nakabalik na sa kani-kanilang tahanan ang iilang apektadong residente.

Ngunit , ang mga nawasak ang tahanan dahil sa buhawi ang nanatili muna sa evacuation sites samantalang ang iba naman ay gumawa muna ng temporaryo nilang matitirhan.

Sa ngayon patuloy ang monitoring sa nasambing mga lugar at nabigyan na ng paunang tulong ang mga naapektuhan lalong-lao na ang mga nawalan ng tirahan na kung saan gumagawa ng paraan ang LGU ng Norala para sa relocation sites ng mga apektado.