Kinumpirma ngayon ng Office of the Solicitor General (OSG) na isasailalim sa lockdown simula ngayong araw ang lahat ng kanilang pasilidad para bigyang daan ang paglilinis na gagawin ng sanitation and disinfection team.
Sinabi ni Melani Gordo, Administrative Officer ng OSG na ito ay makaraang nagpositibo sa RT-PCR test ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sa kanilang mga empleyado na sinuri nuong nakalipas na araw ng Sabado.
Dagdag pa ni Gordo na dahil nga sa lockdown ay hindi muna nagbigay ng pahayag ang OSG kung kailan matatapos ang sanitation at disenfection at kung kailan magbabalik sa trabaho.
Samantala nanawagan ang OSG sa publiko na dahil dito ay hindi na muna sila magpapalabas o tatanggap ng ano mang mga dokumentong kaugnay sa kanilang operasyon o pang-araw-araw na trabaho.
Sa ngayon ay nagsasagawa na anya ang OSG ng contact tracing partikular sa mga nakasalumuha ng kanilang tauhan