-- Advertisements --

Nanguna ang Pasig City sa mga syudad sa Metro Manila na may mataas na COVID-19 performance.

Batay sa survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDI), lima ang nakitaan ng aktibong hakbang laban sa deadly virus.

Maliban sa Pasig, nasa listahan din ang Quezon City, Manila, Marikina City at Valenzuela City.

Lumalabas na 86% ng mga taga Pasig ang nagbigay ng magandang review sa pamamaraan ng kanilang alkalde at city government sa paggawa ng mga pamamaraan para labanan ang COVID pandemic.

Ikalawa ang job approval ratings ng Quezon City (80%), Maynila (78%), Marikina (74%) at Valenzuela (72%).

Samantala, naitala naman ang lowest approval ratings sa mga lungsod ng Pasay City (25 percent), Las Piñas City (26 percent) at Malabon City (27 percent).