-- Advertisements --
Tapos na ang Pasay City government sa pamamahagi ng financial assistance na P1,000 hanggang P4,000 para sa nalalabing 22,000 beneficiaries na napapabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, isinagawa ang payout sa nalalabing 22,000 beneficiaries sa Cuneta Astrodome kahapon, Mayo 13, hanggang ngayong araw, Mayo 14, bago ang deadline na itinakda ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Rubiano, bago ang pamamahagi ng financial aid sa mga 4Ps beneficiaries, nagkaroon muna sila ng pagpupulong para matiyak na masusunod ang guidelines ng IATF sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Naging maayos naman aniya ang naging takbo ng naturang payout.