-- Advertisements --

Balak ng Pasay City government na humingi ng extension sa pamamahagi ng ayuda mula sa national government para sa mga apektadong residente ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Metro Manila.

Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, kalahati pa lang ng ayuda ang naipamahagi nila na nagkakahalaga ng P356 million.

Kung mapagbibigyan ang kanyang hiling, nais daw sana niyang mapalawig ng dalawa pang linggo ang pamamahagi ng ayuda sa mga apektadong residente.

Ayon sa Social Welfare and Development Department (SWDD) ng lungsod, nasa 114,427 indibidwal o 38,301 pamilya mula sa 68 barangay ang nabigyan na nila ng ayuda.

Sinabi ni Rubiano na target ng city government na maipamahagi ang ayudang ito sa 18 barangay ngayong araw para sa 13,830 pamilya o 39,913 indibidwal.