-- Advertisements --

Mayroong 300 na container van ang gagamitin ng Pasay City Government bilang bagong isolation room ng mga COVID-19 patients.

Ang nasabing mga container vans ay galing sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni Pasay City Mayro Emi-Calixto-Rubiano, nakausap niya si DPWH Sec. Mark Villar at agad naman ibinigay ang tulong.

Ang nasabing mga container van na sa MOA complex at CCP complex ay kumpleto ang pasilidad nito gaya ng palikuran, kama at airconditioning unit.