Bumuhos pa rin ang mga pasahero sa mga pantalan kahit sa mismong araw ng Pasko kahapon.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nasa 130,000 hanggang 140,000 na pasahero sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa ang bumuhos.
Sa isang statement ng PCG, at ito ay base na rin sa consolidated data sa mga sitwasyon sa pantalan ngayong araw, umakyat pa sa 6, 034 ang mga outbound passengers habang dumami din ang bilang ng inbound passengers sa 9,595.
Dahil dito, nananatili pa rin namang naka-heightened alert ang PCG para mapangasiwaan ang pagbuhos ng mga pasahero sa mga pantalang uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong Pasko at para sa bagong taon.
Patuloy naman ang paalala ni PCG Commandant Admiral Leopoldo Laroya sa mga Coast Guard commanders na tiyakin na nasusunod ang minimum health standards sa lahat ng mga pantalan.
Gayundin dapat na siguraduhin ng mga pasahero na icheck muna ang mga ipinapatupad na mga ordinansa sa kanilang mga pupuntahang local government units (LGUs) para sa kinkailangang mga dokumento at testing requirements.