-- Advertisements --

Napilitang bumaba ng kaniyang sinasakyang high-speed train sa France dahil sa pagtanggi nito na magsuot ng face mask bilang hakbang para labanan ang pagkalat ng coronavirus disease.

Napilitan tuloy ang Paris-to-Nice TGV na magkaroon ng unscheduled stop sa Le Creusot, halos 300 kilometro (180 miles) ang layo mula sa French capital, para i-escort ng mga pulis ang lalaki palabas ng tren.

Pagmumultahin din ito ng 135 euros o halos P7,000.

Kinumpirma ni Alain Krakovitch, pinuno ng SNCF Voyages na maaaring patawan ng multa ng mga otoridad ang sinumang pasahero na hindi susunod sa umiiral na health protocols sa loob ng tren.

“It’s a shame it had to come to that, but our priority is the health and safety of all,” dagdag pa nito.