BAGUIO CITY – Namatay sa pagamutan ang isang lalaki matapos mawalan ng malay sa sinasakyang bus patungo ng Baguio City kahapon.

Nakilala itong si Reynaldo Tiburan, 49, residente ng Mangaldan, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, isang pasahero ng nasabing bus ang tumawag sa pansin ng konduktor at ipinaalam dito na walang malay ang kanyang katabi pasahero.

Nakita rin nila ang umaagos na laway mula sa bibig nito.

Ayon naman sa konduktor ng bus, hindi nila magising ang pasahero kaya tumawag na sila ng ambulansiya na nagdala dito sa pagamutan.

Gayunman, namatay din ang nasabin lalaki pagkatapos ng ilang minuto habang ito ay nasa ospital.

Naniniwala ang mga pulis na patungo ang pasahero dito s Baguio para magpakonsulta.