Nakatakdang tumaas ang pasahe sa eroplano sa Marso dahil sa nakaambang pagtaas ng fuel surcharge.
Sa abiso ng Civil Aeronautics Board (CAB), tataas ang fuel surchare mula sa Level 5 ngayong Pebrero sa Level 6 pagsapit ng Marso.
Ito ang unang pagkakataon na magtataas ng fuel surcharge ng CAB ngayong 2024 matapos ang 2 magkasunod na pagbaba nito.
Sa ilalim ng level 6, ang mga pasahero sa domestic flights ay magbabayad ng fuel surchaarge na P185 hanggang P665 bawat isa habang ang mga babiyahe naman abroad ay magbabayad ng karagdagang P610.37 hanggang P4,538.40 bawat isa.
Ang fuel surcharges ay ang karagdagang fee na sinisingil ng airlines para marekober ang kanilang gastos para sa langis, liban pa sa base fare na aktwal na halagang binabayaran ng mga pasahero para sa kanilang upuan sa eroplano.