Kapwa itinutulak nina Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo sa Kamara ang pag-apruba sa sa panukalang inaatasan ang ‘round-the-clock’ work sa mga government infrastructure projects.
Ayon kay Yamsuan ang panukalang House Bill (HB) No. 9666 ay layong isulong ang efficiency sa pagpapatupad ng mga infrastructure projects at mabawasan ang mga inconvience na dulot nito.
Sinabi ni Yamsuan na panahon na para ibahin ang mindset hinggil sa mga ganitong sitwasyon.
Dagdag pa ni Yamsuan na isa sa incovinience na dulot ng mga isinasagawang public infrastructure projects ay ang matinding trapiko na idinudulot sa mga highly urbanized areas.
Inihayag ni Yamsuan sa ilalim ng HB 9666 o ang panukalang Accelerated Infrastructure Development Act, round-the-clock na trabaho ang ipatutupad sa lahat ng mga infrastructure projects na pinondohan ng national government, local government units (LGUs), government-owned and -controlled corporations (GOCCs) kabilang dito ang construction, repair at maintenance ng mga daan at tulay.
Nakasaad din sa panukalang batas upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa implementasyon ng 24/7 schedule, inaatasan ng batas na magpatupad ng suitable shift para sa mga manggagawa.