Itinuturing ng House of Representative na isang welcome development ang panunumpa ni Senate President Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni House spokesperson Princess Abante ang pahayag sa isang pulong balitaan ngayong araw ng Martes, June 10.
Matatandaan, nitong gabi ng Lunes, June 9 opisyal nang nanumpa ang liderato ng Senado bilang presiding officer sa impeachment trial.
Muli ding iginiit ng House official na ipinapaubaya na sa discretion ng Senado ang desisyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Hiling lamang aniya nila na maging tapat sa konstitusyon ang mga Senador na tatayong mga hukom sa impeachment trial.
Subalit, nakahanda na aniya ang House prosecutors para sa nakatakdang pagsisimula ng impeachment trial sa Bise Presidente.
Samantala, mamayang alas-4 ng hapon nakatakdang manumpa bilang Senator-judges ang 23 Senador.
Target naman mag-convene ng Senado bilang impeachment court bukas, June 11.