Isinusulong ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Yamsuan na amyendahan ang 31-year old Price Act ng sa gayon mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga hoarders at profiteers ng bigas at mais.
Sa isang pahayag sinabi ni Cong. Yamsuan na panahon na para mapanagot at makulong ng hanggang 40-taon ang mga lalabag dahil ang kanilang mga iligal na aksiyon ay katumbas ng economic sabotage.
Inihain ni Yamsuan ang House Bill No. 7970,kung saan nais nito na lumikha ng anti-rice or corn hoarding and profiteering task force sa bawat probinsya at munisipalidad sa buong bansa.
Layon nito na magkaroon ng regular na monitoring at inventory levels sa mga warehouses at stock houses ng bigas at mais.
Binigyang-diin ni Yamsuan, malakas ang loob ng mga sakim na mga negosyante na mag-imbak ng bigas at mais kahit sa panahon ng kahirapan ay dahil magaan ang parusang ipinapataw sa kanila sa ilalim ng batas.
Dahil dito, panahon na para amyendahan ang lumang batas para matiyak na ang parusa ay mananatiling katapat sa mga krimeng ginawa.
Sa ilalim ng panukalang batas ang hoarding at profiteering ng mais at bigas ay mapaparusahan sa ilalim ng panukalang batas ng pagkakakulong ng 10 hanggang 20 taon at multang P100,000 hanggang P5 milyon.
“By creating an artificial shortage of rice and corn, the costs of the same shoot up, there is panic buying in the markets, government agencies are under fire for allegations of corruption and mismanagement, poor Filipino families cannot afford these basic commodities and many go hungry. In sum, it is a dangerous crime that may potentially sabotage the economy and render our people desperate and hungry,” pahayag ni Yamsuan sa explanatory note sa HB 7970.
Dagdag pa ng dalawang Kongresista na dapat managot ang mga hoarders ng mais at bigas.