-- Advertisements --

Hinikayat ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang mga kapwa mambabatas na magpasa ng batas na layong
i-institutionalize ang national long-term care program para sa mga senior citizens upang bigyan sila ng pagkakataon na mamuhay ng marangal, malusog at ligtas.

Sinabi ni Yamsuan na ang mga mahihirap na matatandang Pilipino na walang paraan upang tustusan ang kanilang sarili ay higit na makikinabang sa iminungkahing long-term care program, na inaakala niyang komplementaryong panukala sa batas na nagbibigay sa kanila ng mga social pension.

Sa ilalim ng P5.768 trillion General Appropriations Act (GAA) para sa taong 2024, ang pondo para sa social pensions ay aabot sa 4.1 million indigent senior citizens na dumoble mula sa P25.3 billion nuong 2023 hanggang P49.81 billion sa kasalukuyang taon para icover ang increase sa buwanang cash aid mula P500 hanggang P1,000 na nakasaad sa Republic Act 11916.

Binigyang diin ni Yamsuan na karamihan sa mga mahihirap na senior citizen ay nakatira sa mga anak at kamag-anak para maka survive habang ang iba ay inabandona.

“Our senior citizens have contributed a wealth of wisdom and experience and spent their lives in helping carve a vibrant future for our country. We should honor, respect and care for them by putting in place a long-term comprehensive program that would provide them social protection, quality healthcare and an environment that supports their active engagement in community activities as much as possible,” pahayag ni Yamsuan.

Sa ilalim ng panukalang batas na inihain ni Yamsuan ang House Bill (HB) 7980 o ang panukalang Long-Term Care for Senior Citizens Act, layon nito mapababa ang kahirapan at vulnerability ng mga senior citizen sa pamamagitan ng intervention na protektahan ang mga ito mula sa pang-aabuso, exploitation, pag-abandona at diskriminasyon.

Dagdag pa ni Yamsuan target din ng panukalang batas na mabigyan ng livelihood programs ang mga matatanda, social insurance at financial support.

Dagdag pa dito ang pagbibigay ng home nursing services, hospice care, medical and psychological support.

“The bill also ensures that integrated and innovative elderly focused social services are made available at the local level, with emphasis on disease prevention as well as preventive, curative and rehabilitative healthcare,” pahayag ni Yamsuan.