-- Advertisements --

Suportado ng Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI) si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, kasunod ng mga naging banat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa House of Representatives.

Sa isang statement sinabi ng PCFI na hindi maikakaila na inilagay ni Speaker Romualdez ang institusyon sa kanang bahagi ng kasaysayan lalo na sa matatag nitong pagpapasya na i-realign ang P650 milyong kumpidensyal na pondo ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo at Department of Education (DepEd) sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte.

Umunlad ang Kamara sa ilalim ng pangangasiwa ni Romualdez, tulad ng ipinapakita sa maraming sukatan na sumasalamin sa kanyang estratehiko at matatag na administrasyon.

Pinuri din ng PCFI ang malawak na experiensiya ni Speaker dahil nakakagawa ito ng mga desisyon na nakalinya sa mithiin ng mga tao.

Ang manifesto of support ay nilagdaan ni Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co, president; Reps. Jose Gay “GP” G. Padiernos, vice-president for
operations; Jose “Bong” J. Teves Jr., vice-president; Angelica Natasha A. Co, secretary general; at Raymund Democrito C. Mendoza, Deputy
Speaker.

Ayon pa sa PCFI na ang kanilang grupo ay “kinikilala at nagpapahayag ng pasasalamat sa huwarang pamumuno ni Speaker Romualdez sa House of Representatives at ang taos-pusong pagpapahalaga sa pagtatanggol nito sa institusyon.

Inihayag naman ni Rep. Elizaldy Co na sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez nakuha ng Kamara ang highest approval rating at naging isa sa pinaka respectable institutions.

Kabilang sa mga tinaguriang extraordinary actions ay ang paglipat sa Confidential Funds (CF) mula sa ibat ibang ahensiya partikular ang protektion sa West Philippine Sea.

“It is also imperative to underscore Speaker Romualdez’s steadfast dedication to defending and elevating our institution,” pahayag ng PCFI.