-- Advertisements --

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na aabot sa 200 party-list groups ang nag-apply na magparehistro para sa nalalapit na 2025 midterm elections. 

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kapag nailathala na at walang petisyon na naihain para harangin ang aplikasyon, kwalipikado na ang party-list group na sumali sa 2025 elections.

Tanging mga organisadong grupo lamang na nakarehistro sa Comelec at naghain ng Manifestation of Intent to Participate ang maaaring sumali sa party-list elections sa susunod na taon.

Samantala, sinabi ng Comelec kung may mga tutol sa grupong naghahangad na tumakbo sa 2025 elections, maaari silang maghain ng petisyon sa Komisyon sa loob ng sampung araw mula sa petsa ng pagkakalathala.

Batay aniya sa huling bilang, mayroong 145 na aplikante ang naaprubahan bilang party-list groups na sasali sa halalan sa May 2025.