Reading Time: 1 minute

BACOLOD CITY – Hawak na ng pulisya ang isang parrot na nagsilbi umanong lookout ng dalawang drug suspects na naaresto sa Teresina, Brazil.

Batay sa ulat, sumigaw ng “Mama, police” ang nasabing ibon sa gitna ng operasyon kung saan naaresto ang mga salarin.

Ang mga nadakip ay babae at lalaking dealers na nakuhanan ng marijuana, drugs at pera.

Nang subukan siyasatin ng mga otoridad ay hindi na raw humuni ang ibon na tila loyal sa kanyang mga kriminal na amo.

Kumbinsido naman ang mga pulis na dumaan sa training ang ibon para maka-identify ng mga police mobile.