-- Advertisements --

Sumali na ang Paris na hindi magpapalabas ng giant screens at fan zones para sa World Cup na gaganapin sa Qatar.

Ayon kay Pierre Rabadan ang namumuno sa sports department sa Paris City Hall na kanilang kinokondina ang nagaganap na human rights abuse at environmental concerns sa Qatar.

Ang Paris ay siyang pinakahuling lungsod sa France na nagboycott sa nasabing torneo.

Unang nag-boycott ang lungsod ng Lille, Marseille, Bordeaux, Strasbourg at Reims.

Itinutukoy kasi ng mga alkalde ng mga lungsod ang mataas na bilang ng mga nasasawing manggagawa na dayuhan, pagsira ng kalikasan dahil sa paggawa ng mga stadiuma at ang pang-aabusong ginagawa ng Qatar sa mga tao.