Tinanggihan ni Paris Jackson ang suhestiyon ng kaniyang mga kaibigan para ito ay sumailalim sa rehab.

Kasunod ito ng napaulat na siya ay muntikan ng magpakamatay dahil sa emosyon na naramdaman sa iskandalong kinaharap ng amang pumanaw na si Michael Jackson.

Ayon sa mga kaibigan nito na kahit anong pilit nila sa 20-anyos na si Paris ay nagmatigas pa rin ito.

Magugunitang noong Sabado ay itinakbo ito sa pagamutan matapos na hiwain niya ang kaniyang kanang pulso.