Nasa maayos nang kondisyon ang isang pari matapos tambangan sa Barangay 3, Calamba City, Laguna.

Ayon kay S/Supt. Rossel Cejas, hepe ng Calamba Police, alas-9:40 ng umaga kanina nang biglang barilin ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang pari.

Tinamaan ang pari sa kanyang likod at kaliwang kamay, habang ligtas naman sa tama ng mga bala ang kanyang personal secretary na si Remedios De Belen.

Mabilis na tumakbo sa papalayong direksyon ang mga suspek matapos ang krimen, habang dinala naman sa Calamba Medical Center ang biktima.

Sa ngayon ay nasa maayos nang kondisyon ang pari.

Sinabi naman ni Cejas na posibleng may kinalaman sa negosyo ang pamamaril bagama’t patuloy pa ang imbestigasyon laban sa mga ‘di pa tukoy na suspek.