Inabsuwelto ng korte si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag sa pagkamatay ng 10 bilanggo sa pagsabog sa Parañaque City Jail noong 2016.
Sa desisyon na inilabas ni Acting Presiding Judge Bentlee-Ian Barraquias ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 274, sinasabing bigo ang prosekusyon na patunayan ang mga elemento ng krimen kung saan kinasuhan ang mga akusado.
Wala kasi aniyang sapat na ebidensya na inilatag ang prosekusyon na magdidiin sa mga akusado sa nasabing krimen, maliban na lamang sa mga alegasyon ng mga complainants na tumestigo sa pagdinig.
Kung maaalala, si Bantag ang jail warden na kasama ng mga nasawing inmates sa loob ng opisina kung saan sumabog ang granada.
Binawian ng buhay ang mga preso kabilang ang dalawang Chinese national na kapwa nahaharap sa kaso na may kaugnayan sa iligal na droga.
Nakaligtas naman sa pangyayaring ito si Bantag at kapwa akusado na sina SJO2 Ricardo Zulueta at JO2 Vicor Erick Pascua.