Tuluyan ng ipinagbawal ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez ang paggamit at pagbebenta ng mga paputok ngayon holidays.

Sa inilabas na kautusan ng alkalde, pinapakansela na rin ang lahat ng mga permits sa pagbebenta ng anumang uri ng paputok at kahalintulad na produkto para sa 2020.

May inilaan na multa ang sinumang maaresto sa mga lalabag ng kautusan.

Nauna rito iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang pagbabawal ng paggamit ng paputok dahil sa patuloy na may mga naitatalang insidente ng mga napuputukan.