Nakipagkasundo ang Paranaque City Government sa Zuellig Pharma corporation.

Ang nasabing kumpanya kasi ay siyang magiging opisyal na “Vaccine Storage” ng lungsod ng Paranaque.

Pinangunahan ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez kasama ang kanilang health officer na si Dra. Olga Virtusio ang nasabing pagpirma ng memorandum of agreement.

Umaasa ang City government Paranaque na masisimulan an rin nila ang vaccination campaign sa kanilang lungsod kapag dumating na ang mga bakuna laban sa COVID-19.