-- Advertisements --

Natagpuang patay si three-time Paralympian Angela Madsen ng ito ay magtankang tawirin ang karagatan ng Los Angeles at Honolulu.

Kinumpirma ito ng US Coast Guard ang pagkakadiskubre ng bangkay ng 60-anyos na rowers.

Ayon sa RowOfLife.org, tinatangka ni Madsen na maging unang paraplegic at pinakamatandang babae na tawirin ang karagatan ng California at Hawaii na mag-isa.

Umalis ito mula sa Los Angeles at mag-isang bumiyahe sa may 1,114 nautical mies at mayroon pang 1,275 nautical miles pa ito sa kaniyang destinasyon.

Taong 2002 ng maging kampeon ito sa para-rowing sa World Rowing Championships sa Seville, Spain.