-- Advertisements --

Binigyan diin ng isa sa mga lider ng Kamara ang kahalagahan ng papel ng maraming kompanya sa laban ng pamahalaan kontra COVID-19 pandemic.

Sa kanyang privilege speech sa plenaryo ng mababang kapulungan ng Kongreso, sinabo ni House Committee on People’s Participation chairman Florida Robes na hindi kayang magawa lahat ng gobyerno na harapin ang krisis.

Sa mga panahon na ito ay crucial aniya ang pagtulong ng pribadong sektor ng pamahalaan upamng sa gayon ay maresolbna ang kalbaryong idinulot ng pandemya at para na rin makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Malinaw naman aniya sa lahat ngayon na bakuna talag ang solusyon para maresolba ang pandemya at dito na rin muling papasok ang pribadong sektor kasunod nang pag-ambag ng mahigit 1,000 kompanya noong nakaraang taon para makabili ng 6.5 million na bakuna.

Kasabay nito ay hinihimok ng kongresista ang publiko na paniwalaan ang research at development dahil ayn sa mga eksperto ay anumang brand ng bakuna ay napatunayan nang epektibo at ligtas.