Nagtalaga na si Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei ng bagong depty commander ng Quds Force na papalit sa pumanaw na si General Qassem Soleimani.

Si Brigadier General Esmail Ghaani ang papalit kay Soleimani bilang pinuno ng elite force.

Ayon kay Khamenei, magpapatuloy ang mga adhikaing nasimulan ni Soleimani para sa kanilang bansa sa kabila ng pagkawala nito.

Naging deputy commander ng Quds Force si Ghaani noong 1977 kung saan naging chief commander naman nito si Soleimani.