-- Advertisements --

Inihayag ng Malacañang na simple lang ang kuwalipikasyong hinahanap para mapamunuan ang PhilHealth na nababalot ng kontrobersya kaugnay sa umano’y mafia ng korupsyon.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos magsumite na ng resignation letter si PhilHealth President and CEO Ricardo Morales.

Sinabi ni Sec. Roque, dapat ay may kasanayan sa pamamalakad ng isang tanggapan o managerial skills ang sinumang mamumuno sa PhilHealth.

Ayon kay Sec. Roque, maliban sa naturang kuwalipikasyon, mahalaga din na ang lider ng tanggapan ay marunong magbantay sa kaban ng bayan.

Kung hindi hindi umano ito magagawa, talagang mauubos ang resources ng PhilHealth dahil na rin sa personal na interes.

“Wala pa namang pong vacancy diyan. Pagusapan lang natin pag nagkaroon na ng vacancy. Pero ang Presidente dati ko na sinasabi zero tolerance po yan para sa korapsyon. Dapat malinis, walang bahid ang pagkatao. Dapat po may managerial skills at dapat marunong magbantay ng kaban ng bayan dahil kung hindi babantayan talagang pong napakalakas ng tempasyon para ubusin yang kaban ng bayan para sa personal na interes,” ani Sec. Roque.