-- Advertisements --

Mas mapapa-aga ang inaasahang pagpasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ng tropical storm na may international name na “Rai.”

Ayon sa Pagasa, kapag nakapasok na ito sa Philippine territory, bibigyan ang bagyo ng local name na “Odette.”

Huling namataan ang sentro ng storm Rai sa layong 1,380 km sa silangan ng Mindanao.

May taglay itong lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 30 kph.

Dahil sa pagbilis nito, maaaring ngayong araw ay makapasok na sa PAR at mangyari ang landfall sa Visayas o Mindanao bukas.