-- Advertisements --

Patuloy ang pagdami ng mga taong bumibisita sa Manila Cathedral para makita ang “Papal Visit Memorabillia Exhibit”

Ang nasabing exhibiti ay binuksan sa publiko nitong Huwebes at magtatapos ng hanggang Hulyo 2,

Makikita ito sa Blessed Souls Chapel ng Katedral sa Intramuros ang mga koleksyon mula sa mga bumisitang Santo Papa sa Pilipinas.

Ilan sa mga dito ay ang larawan na ibinigay ni St. Paul VI sa Apostolic Nunciature.

Isinabay ang pagbubukas ng exhibit sa kapiyestahan ng “Solemnity of Saints Peter and Paul.”.

Naka-display rin sa exhibit ang upuan na ginamit ni St. John Paul II, ang “missal” na ginamit ni Pope Francis at maging ang sasakyan na tinawag na Pope Mobile.

Taong 1970 ng bumisita sa bansa si St. Paul VI habang si St. John Paul ay ilang beses na ring nabisita sa bansa noong 1981 sa beatification ni Lorenzo Ruiz bilang unang Pilipinong santo, at noong 1995 World Youth Day.

Habang pinakahuling bumisita sa bansa si Pope Francis noong 2015.