Binatikos ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) dahil sa pagbibigay pansin sa nagpakilalang “Bikoy” na si Peter Joemel Advincula.

Sinabi ng presidential son, na tila nakakawalang respeto ang IBP dahil sa agad silang naniniwala kay Advincula.

Nagtataka ito dahil tila isang scammer si Advincula na agad na pinaniwala ang mga abogado.

Hinamon din nito si Advincula na magsampa ng kaso laban sa kaniya para patunayan ang kaniyang alegasyon sa pamilya Duterte.

Magugunitang umamin si Advincula na siya ang nasa viral video na nag-aakusang sangkot sa iligal na droga ang ilang personalidad.