-- Advertisements --

Umaasa ang Public Attorney’s Office (PAO) na babawiin ng Commission on Higher Education (CHED) ang kanlang direktiba na pagbabawalan ang mga hindi bakunadong mag-aaral sa pagdalo ng face-to-face classes.

Sinabi ni PAO chief Persida Acosta na hinihintay pa nila ang kasagutan ni CHED chairperson Prospero De Vera sa kanilang ipinadalang sulat.

Dagdag pa nito na dapat gayahin na rin ng CHED ang ipinaptupad ng Department of Education na maaaring payagan ang mag-aaral na dumalo sa face-to -face classes bakunado man o hindi.

Paliwanag ni Acosta na malinaw na isang paglabag sa karapatang pantao ang nasabing direktiba na ito ng CHED.

Maguguntang nakasaad sa CHED Memorandum Order 1 na ipinalabas noong Marso 18, 2022 na nag-aatas na tanging mga bakunadong magulang at mag-aaral lamang ang papayagang makadalo sa face-to-face classes sa mga kolehiyo.