Hinimok ni Atty. Romulo Macalintal ang Commission on Elections na pansamantalang suspendihin ang implementasyon ng regulation para sa oversized na campaign posters na ikinabit sa mga private property.
Sa kanyang liham sa Comelec, hiniling ni Macalintal ang temporary suspension ng naturang direktiba hanggang Marso 25, na siyang simula nang campaign period para sa local candidates.
Ito ay para na rin mabigyan aniya nang sapat na panahon ang Comelec na ma-review ang kanilang mga regulasyon.
Kinuwestiyon ni Macalintal ang pagtanggal nang sinasabing mga “illegal” campaign posteers sa private property na walang notice o hearing, sa pagsasabi na ito ay paglabag sa constitutional rights ng isang tao at maging sa due process.
Iginiit niya na hindi sakop sa mga probisyon ng Republic Act 9006 o Fair Election Act hinggil sa election propaganda materials ang mga private persons o mga non-candidates dahil para lamang ito sa mga kandidato at mga political parties.
Para kay Macalintal, mayroong karapatan ang isang private person na maipahayag ang kanyang mga ideya sa pamamagitan nang pagkabit ng mga campaign materials, kait pa iyong para sa mga kandidato, sa loob ng kanilang mga private properties.