Inaprubahan na ng Kamara ang panukalang batas na tax exemption para kay double olympic gold medalist Carlos Yulo at iba pang national athletes na naglaro sa international sports competition.
Ito ang kinumpirma ni House Ways and Means Chairman at Albay Representrative Joey Salceda.
Ang House Bill No. 421 na iniakda ni Salceda ay inaprubahan nuong 18th Congress na tinaguriang “Hidilyn Diaz Law” subalit hindi ito naaprubahan sa Senado.
Sinabi ni Salceda na ang nasabing panukala ay dapat ipangalan din kay Yulo bilang pagkilala sa kauna-unahang Filipino olympian na naka sungkit ng dalawang gintong medalya.
Hindi lamang ang mga premyo na kaniyang natanggap mula sa mga brands at kumpanya matapos siya manalo ang tax exempted kundi maging ang mga donasyon para sa kaniyang training isang taon bago ang kumpetisyon.
Ipinunto ni Salceda na ang layon nito na iincentivize hindi ang ang premyo kundi ang preparasyon dahil ang pagiging isang champion ay hindi nagagawa sa magdamag lamang.
Inaprubahan din ng Komite na gawing retroactive ang exemption mula January 1,2024.
Ipinanukala din ni Salceda na ang donasyon para sa Philippines Sports Commission o sa Philippine Olympic Committee ay exempted din sa tax.
” But let me emphasize this once again, it is mere tokenism, it is mere public relations, to ride the bandwagon whenthe victory has already been achieved. What we need to incentivize is the investments being made on the athletes who are still working on winning medals for the country,” pahayag ni Rep. Salceda.