Suportado ng Civil Service Commission (CSC) ang panukalang batas na magbibigay ng karagdagang bayad sa mga kawani ng gobyerno na nagtatrabaho ng lagpas sa kanilang regular na office hours.
Kahapon inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagtatakda na gawing 20 percent ang night differential pay ng mga government workers.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, ang karagdagang bayad na ito ay magsisilbing compensation sa mawawalang oras sa pagtulog ng mga night shift workers katulad na lamang ng mga anti-narcotics agents at Customs at Immigration personnel.
Iginiit ni Lizada na pabor rin siya sa panukalang batas na naglalayong gawing civil service eligible ang mga Pilipinong nakasungkit ng medalya sa Southeast Asian Games.
Sa ganito kasing paraan aniya ay mahihikayat ang mga atleta na magtrabaho sa mga sports offices ng gobyerno at para na rin makapag-train sa mga nakababatang atleta.