Tuluyan nang naaprubahan sa Mababang Kapulungan ang House Bill no. 14 o panukalang SIM Card Registration sa botong 250 affirmative, 6 negative at 1 abstention.
Sa ilalim ng nasabing panukala ang bawat public telecommunications entity (PTE) o authorized seller ay oobligahin ang ‘end user’ o iyong SIM card user, Pilipino man o banyaga na iregister angkanilang prepaid o postpaid SIM.
Ina-asahan kasi na mapipigil ang iba’t ibang krimen at iligal na aktibidad gamit ang mobile phone.
Ang end user ay kailangan sagutan ang form na inisyu ng PTE kalakip ang pagpapakita ng valid identification card.
Ano mang impormasyon sa registration document ay ituturing na confidential maliban na lamang kung pahintulutan ng subscriber sa pamamagitan ng isang kasulatan.
Kailangan din ilabas ang impormasyon kung ipagutos ng korte o law enforcement na gagamitin para sa imbestigasyon.
Ang mga SIM cards na naibenta o inisyu na bago pa maging epektibo ang batas ay kasama rin sa ipapa rehistro.
Isang registry o listahan ng lahat ng subscriber kalakip ang kanilang assigned sim card number ang bubuuin ng PTEs maliban pa sa pagsusumite ng kanilang authorized seller o agent sa National Telecommunications Commission.
Mahaharap sa P300,000 hanggang P1 million na multa kapag lumabag ang PTE sa batas habang suspensyon sa operasyon at multang hanggang P50,000 kung ang violator ay isang authorized seller.
Kabilang ang SIM Card Registration Bill sa mga priority legislation ng Kamara ngayong 19th Congress.
Sa panig naman ni Gabriela Partylist Rep. Arlene brosas ipinaliwanag nito kung bakit di siya bumuto sa nasabing panukala.