-- Advertisements --
image 517

Mabilis na tinapos ng Kamara ang period of sponsorship at debates sa proposed budget ng DOT na nagkakahalaga ng P2.939 billion pesos na inabot lang ng dalawampu’t limang minuto.

Nagkaisa kasi ang mga kongresista na suportahan ang mas malaking pondo para sa Department of Tourism at sa attached agencies nito sa susunod na taon.

Si Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Ruiz Daza ang nag moved para sa termination ng DOT budget deliberation matapos magpahayag ng magandang tugon ang budget sponsor at Committee on Appropriations.

Ayon kay OFW Party-list Representative Marissa Magsino na siyang nagsulong ng dagdag-pondo, 24 percent na mas mababa ang alokasyon para sa DOT kumpara sa kasalukuyang budget na P3.407 billion pesos.

Ipinunto ni Magsino na hindi maisasakatuparan ang layunin ng ahensya na maging powerhouse travel destination sa Asya pati na ang planong magkaroon ng Wi-Fi connection sa lahat ng tourist spots sa bansa kung kulang ang budget.

Sa interpellation ni Basilan Representative Mujiv Hataman inusisa nito ang epekto ng 47 percent na pagbaba ng alokasyon para sa market and product development ng DOT lalo na sa branding campaign.

Tugon ng sponsor na si Isabela Representative Inno Dy na siyang sponsor sa budget ng DOT, nangangahulugan ito ng “less exposure” sa domestic at international markets.

Mababatid na ang direct gross value-added share ng tourism industry sa ekonomiya noong nakaraang taon ay naitala sa 6.2 percent na katumbas ng halagang 1.38 trillion pesos.