Muling binuhay ni Senator Imee Marcos ang panukalang palawigin pa ang termino ng mga opisyal ng barangay.
Giit ng Senadora na palagi na lamang kasing pinapalawig ng Kongreso ang termino ng mga local official.
Sa naunang panukala ni Sen. Imee, isinusulong nito na palawigin pa hanggang 6 na taon ang termino ng barangay officials sa halip na 3 taon at itakda ang lokal na halalan tuwing buwan ng Mayo ng bawat taon kasunod ng presidential elections.
Kasabay ng panawagan para sa mas mahabang termino, sinabi din ng Senadora na nakaranas ang mga barangay officials ng pagdami ng kanilang workload lalo na matapos pasanin ang bigat ng ganpanin ng gobyerno sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Sinabi din ni Sen. Imee na mayroong pangangailangan para muling busisiin ang Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act of 2015.
Kung saan sa ilalim ng batas, mayroon dapat isang chairperson at 7 miyembro ng SK sa bawat barangay.
Kayat ipinanukala ng Senadora na gawing isa lang ang kinatawan para magrepresent sa sektor ng mga kabataan sa halip na ang buong konseho.