-- Advertisements --

Inasahan na ng Commission on Election na lulusot sa ikatlong pagbasa ang panukalang nagpapaliban sa barangay at Sk elections matapos inaprubahan ito nuong nakaraang linggo sa 2nd and final reading.

Sa panayam kay Comelec Chairman George Garcia kaniyang sinabi na hanggat hindi pa naisabatas ang House Bill 4673 tuloy ang kanilang paghahanda ang pag imprenta sa mga balota at ang ginagawang voters registration.

Ayon pa kay Garcia, dahil sa mga ginagawa nilang paghahanda at pagbili ng mga kagamitan ay hindi na gaano kalaki ang naiwang pondo para sa Brgy at SK election.

Una ng sinabi ng Comelec na nasa mahigit P8 billion ang naiwan na pondo para sa halalan subalit nababawasan na ito dahil sa mga ginagawang paghahanda ng poll body.

Sa kabilang dako, inihayag naman ni Garcia ngayong nakatakda ng pirmahan ng pangulong Bongbong Marcos ang nasabing panukala, pabor siya na gawin ang synchronized barangay at sk election sa darating na May 2023 imbes sa December 2023.

Paliwanag ng chairman mas maigi kasi ang Mayo dahil summer at walang pasok ang mga kabataan at kapag da Disyembre naman may mga bagyo na inaasahan at hindi maganda ang panahon.
Sa kabilang dako, lubos ang pasasalamat ng Comelec sa House Of Representatives sa agarang pag apruba sa kanilang 2023 budget.
Sa isinagawang budget debate kahapon sa plenaryo hindi tumagal ang interpelasyon para sa taunang budget ng Comelec at agad ito inaprubahan.
Hirit naman ni Chairman Garcia na dagdagan ang kanilang pondo lalo at nagpapatayo sila ng kanilang sariling building.