-- Advertisements --
Itinutulak ngayon sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong palawigin ang period of transition para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Inihain ni Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu ang House Bill No. 8117 para ipagpaliban ang unang regular na halalan sa BARMM na nakatakda sana sa 2020, at ilipat na lamang sa 2025.
Sakaling maging ganap na batas, madadagdagan pa ng tatlong taon ang buhay ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), ang interim government ng BARMM.