Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang proposed “Medical Reserved Corps Act.”
Ayon skay House Committee on Health chairman Angelina Helen Tan, ang approval sa inihain niyang panukalang batas ay sakto kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
Ang panukalang batas na ito ay isang “proactive response” aniya sa mga panawagan ng medical societies at health workers na magkaroon sila ng “timeout” para ma-recalibrate ang mga strategies na sinusunod ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kung tatagal pa aniya ang pandemic na ito, talagang mangangailangan ng reinforcement ang mga healthcare workers.
Sa ilalim ng panukala, sa tuwing magkakaroon ng public health emergencies, magkakaroon ng reinforcement sa mga doktor, kabilang na ang mga retired at hindi na nagtatrabaho sa ospital.
Papatulungin din ang mga medical students na nakatapos na ng apat na taon na medical course, graduates ng medicine, at registered nurces na hindi pa lisensyado.
Maging ang mga allied health professionals ay hihingan din ng tulong bilang reinforcement.
Ang mga medical reservists na ito ay isasailalim sa Health Emergency Management Bureau (HEMB) ng Department of Health (DOH), at bibigyan ng compulsory basic training programs.