-- Advertisements --

Aprubado na sa House Committee on Basic Education and Culture ang panukalang batas na magtayo ng public schools sa remote areas.

Ang panukala ay pinagsamang House Bills 650 at 1947 na iniakda nila Albay Representative Joey Salceda at Tingog Party-list Representative Yedda Marie Romualdez.

Layon ng proposed measures na makapag-established ng mga pampublikong paaralan sa mga geographically isolated disadvantaged conflict-affected areas.

Kasama na rin dito ang pagsasaayos ng mga access road patungo sa mga eskwelahan.

Sa ilalim ng panukala, ang Department of Education ang siyang lead agency sa pagpapatupad ng batas at maaatasan na bubuo ng guidelines sa school requirements and construction timetable katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Batay sa datos ng Deped nasa 9000 last mile schools sa buong bansa ang kanilang natukoy at ito ngayon ang kanilang pakatutukan.

Ayon sa opisyal ng DepEd na si Ms. Alma Ruby Torio, sinisiguro pa rin nila na mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral sa nasabing mga lugar.