Hindi maikakaila na problema ng karamihan sa mga nagmamay-ari ng sasakyan ang mahal at kawalan ng resposibidad ng mga bayad na parking spaces sa bansa.

Kaya naman isinusulong ngayon sa Kamara ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy ang House Bill 3215 na naglalayong magkaroon ng regulasyon sa mga paid parking spaces.

“With the surge of vehicles and the decrease of public spaces, the driving public are hassled to find parking spaces within business districts, malls and other establishments. Other than inadequate designated spaces, the public is also burdened by the costs of parking fees,” ani Herrera-Dy.

Kalimitan aniya sa unfair ang kondisyon ng mga establisiyemento na nagpapabayad ng kanilang parking spaces, tulad na lamang ang pag-waive ng kanilang responsibilidad sa pagtitiyak nang seguridad ng mga naka-park sa kanilang mga sasakyan.

Iginiit ng kongresista na ilang beses nang may nabibiktima nang pagnanakaw sa mga paid parking spaces pero hindi man lang nakakatanggap ng tulong mula sa mga building owners dahil sa wala anila silang responsibilidad sa mga ito.

Inihalimbawa ni Herrera-Dy ang kapwa niya kongresista na si ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran.

Mahal na nga aniya ang sinisingil sa mga paid parking spaces pero walang pananagutan dito ang mga building owners, kaya sa ilalim ng kanyang panukala ay gagawing standard rate ang P20 sa unang limang oras at P10 kada oras na lagpas dito.

Ang magiging singil naman sa overnight parking ay P150 habang P200 naman kapag nakawala ng parking tickets.

Para sa mga pasyente na naka-confine sa mga ospital, dapat na maging libre na aniya ang parking fee ng mga ito sa oras na makapagpakita ng katibayan ng kanilang legitimate transaction.

Sinuman ang lalabag dito ay papatawan ng P250,000 hanggang P500,000 na mula at suspensyon o kanselasyon ng kanilang business permits at lisensya.