-- Advertisements --

Niratipikahan na rin ng Senado at Kamara ang bicameral conference committee report sa panukalang magpapalakas sa mga polisiya sa anti-human trafficking sa bansa.

Ito ay matapos na maayos na ng bicameral conference committee ang magkakaibang bersyon sa pagitan ng House Bill No. 10658 at Senate Bill No. 2449, o ang “Expanded Anti Trafficking in Persons Act of 2022.”

Layon ng panukalang ito na mapabuti pa ang existing nang batas at para masawata na rin ang human trafficking sa gamit ng makabagong teknolohiya.

Kabilang sa mga mahahalagang probisyon ng reconciled version ng panukala ayon kay Senator Risa Hontiveros ay ang pagkakaroon ng karagdagang tools sa law enforcement agents na kaagad mahabol ang mga human traffickers offline o online man; ma-hold ang internet intermediaries, kabilang na ang social media networks at financial intermediaries, na ginagamit sa human trafficking; karagdagang proteksyon sa mga biktim ang human trafficking, kabilang na ang mga biktima sa ibayong dagat; at iba pa.